Presyo ng gulay, manok tumaas sa Muñoz Market

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 11:31 AM

Tumaas ang presyo ng ilang klase ng gulay habang bumaba naman ang presyo ng ilang klase ng bigas sa Muñoz Market sa Quezon City.

Presyo ng mga gulay

• Repolyo → P100/kilo (dating P60/kilo)
• Carrots → P100/kilo (dating P60/kilo)
• Baguio Beans→ P80/kilo (dating P50/kilo)
• Ampalaya→ P100/kilo (dating P85/kilo)
• Patatas→ P100/kilo (dating P85/kilo)
• Pechay→ P80/kilo (dating P60/kilo)

Bumaba naman sa P80 kada kilo mula P120 kada kilo ang presyo ng talong.

Tumaas naman ang presyo ng manok sa P150 kada kilo mula P140 kada kilo.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.