PatrolPH

Maynilad, Manila Water nagsimula nang magbasa ng metro ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 04:18 PM | Updated as of Jun 02 2020 06:42 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA (UPDATE) — Nagsimula na ulit magbasa ng metro ng tubig ang mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water sa mga lugar na nasasakupan nila.

Pero iginiit ng parehong concessionaire na may hanggang July 31 para bayaran nang pautay-utay ang bill noong lockdown para sa mga komukonsumo ng lagpas 10 cubic meters kada buwan.

Ang mga lifeline user naman, o iyong hanggang 10 cubic meters ang konsumo kada buwan, ay may hanggang Agosto 31 para mabayaran ang bill, na puwede ring utay-utay.

Ayon sa Maynilad, magbabasa muna sila ng metro at hahatiin ang bill sa 3 bago i-deliver sa konsumer matapos ang 5 hanggang 7 araw.

"Hindi po siya mabi-bill nang biglaan, na one-time," ani Maynilad Spokesperson Zmel Grabillo.

Nagbabasa lang din muna umano ng metro ang Manila Water at aabutin ng 5 araw bago mai-deliver ang water bill ng kanilang mga kostumer. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.