Mga gasolinahan nag-anunsiyo ng mas maagang bawas-presyo

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2018 06:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pagkatapos ng tatlong linggong magkakasunod na oil price hike, mayroong rollback sa presyo ng petrolyo na nagsimula nitong Biyernes at malawakang ipatutupad sa Linggo. 

Inumpisahan ito ng Phoenix Petroleum na nag-anunsiyo ng rollback na P1.40 sa gasolina at P1.00 sa diesel.

 Tapyas sa presyo ng langis sa Phoenix Petroleum
• Gasolina -- P1.40/litro
• Diesel -- P1.00/litro

Nag-abiso naman ang Shell, Seaoil, Petron, Total, at PTT ng rollback na P1.20 sa gasolina, P0.90 sa diesel, at P1.00 sa kerosene. 

Ipatutupad nila ito simula sa Hunyo 3, Linggo, imbes na sa karaniwang Martes.

Tapyas sa presyo ng langis sa mga binanggit na gasolinahan
• Gasolina -- P1.20/litro
• Diesel -- P0.90/litro
• Kerosene -- P1.00/litro

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.