Presyo ng diesel tataas, gasolina bababa simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2020 01:19 PM | Updated as of Jun 01 2020 03:17 PM

(UPDATE) Nakatakdang tumaas ang presyo ng diesel at bumaba ang presyo ng gasolina simula Martes, Hunyo 2, sabi ngayong Lunes ng mga kompanya ng langis.

Ayon sa Shell, Seaoil, Petro Gazz, Flying V, at Cleanfuel, P0.25 ang itataas ng presyo ng kada litro ng diesel habang P0.20 naman ang ibababa sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, at Flying V, ng P0.80 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na magpapatupad alas-8:01 ng umaga. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.