PatrolPH

Presyo ng petrolyo, LPG tataas sa pagpasok ng Hunyo

ABS-CBN News

Posted at May 31 2021 12:53 PM | Updated as of May 31 2021 07:10 PM

(UPDATE) Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Hunyo sa Martes.

Ayon sa Shell, Caltex, Seaoil, Cleanfuel, PetroGazz, Unioil, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Petron at Flying V, tataasan nila ang presyo ng kada litro ng kanilang diesel nang P0.40 habang P0.80 naman ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Tataas din nang P0.25 ang presyo ng kada litro ng kerosene ng Shell, Caltex, Seaoil, Petron at Flying V.

Ipatutupad ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na mag-a-adjust alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel, alas-4:01 ng hapon.

Ayon naman sa Petron, tataasan nila nang P2.20 ang kada kilo ng LPG simula hatinggabi ng Martes.

Tataas din umano ang auto LPG ng Petron nang P1.25 kada litro.

Nasa P2.18 kada kilo naman ang taas-presyo ng Solane sa kanilang LPG. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.