#WalangKuryente: Power interruption sa Luzon sa Hunyo 1-7

ABS-CBN News

Posted at May 31 2020 11:59 AM

Nag-anunsiyo ang Meralco na makararanas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ngayong linggo ang ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Ayon sa Meralco, maintenance work o mga pagkukumpuni ang sanhi ng power interruption sa mga apektadong lugar.

 

LAGUNA (SAN PABLO CITY)
HUNYO 2, 2020, MARTES
Sa pagitan ng 10:00 AM at 3:00 PM

→ Bahagi ng Werner Schetelig Ave. mula Sabang Road hanggang at kasama ang Carmelite Road; Pope Pious Village at Carmelite Subd. sa Bgys. San Lucas I at Concepcion.

DAHILAN: Paglipat ng mga posteng apektado ng DPWH road widening project sa Werner Schetelig Ave. sa Bgy. Concepcion, San Pablo City, Laguna.

CAVITE (DASMARIÑAS CITY)
HUNYO 3, 2020, MIYERKOLES
Sa pagitan ng 9:00 AM at 2:00 PM

→ The Orchard Townhomes sa Bgy. Salitran.

DAHILAN: Pag-install ng poste at conversion ng mga pasilidad sa The Orchard Townhomes, Bgy. Salitran, Dasmariñas City, Cavite.

MUNTINLUPA CITY (ALABANG)
HUNYO 4, 2020, HUWEBES
Sa pagitan ng 12:01 AM at 5:30 AM

→ Bahagi ng Commerce Ave. mula Mindanao Ave. hanggang at kasama ang one feed ng Alabang Town Center, Giligan’s, Max’s Restaurant, Madrigal Center at St. Jerome Emilliani & Sta. Susana Parish Church sa Alabang Town Center.

DAHILAN: Line reconstruction works sa Commerce Ave. sa Alabang Town Center, Bgy. Alabang, Muntinlupa City.

BULACAN (PLARIDEL)
HUNYO 5, 2020, BIYERNES
Sa pagitan ng 10:00 AM at 1:00 PM

→ Purok 1 sa Bgy. Sipat; at Purok 3 & Purok 4 sa Bgy. Lumang Bayan.

DAHILAN: Pag-install at pagpalit ng mga pasilidad sa Bgy. Sipat, Plaridel, Bulacan.

MUNTINLUPA CITY
HUNYO 5, 2020, BIYERNES
Sa pagitan ng 9:30 AM at 10:30 AM

→ Mandarin Ave. mula malapit sa South Luzon Expressway (SLEX) West Service Road hanggang at kasama ang Pleasant Ville Subd. sa Bgy. Bayanan.

DAHILAN: Pag-install at pagretiro ng mga pasilidad na apektado ng Skyway Project sa Bgy. Bayanan, Muntinlupa City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.