Presyo ng petrolyo, may dagdag at bawas sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at May 30 2020 05:20 PM

MAYNILA--May dagdag at bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, batay sa tantiya ng mga taga-industriya. 

Sa diesel, maglalaro ito nang P0.20 hanggang P0.30 kada litro. 

Ang gasolina lang ang may rollback na P0.20 hanggang P0.30 kada litro. 

Umabot na sa P5 ang dagdag sa presyo ng gasolina, P4.55 sa presyo ng diesel, at P6.25 sa kerosene ang naging dagdag-singil sa langis sa mga nakalipas na 3 linggo. 

Ayon naman sa mga taga-industriya, posibleng wala ring galaw sa presyo ng LPG pagdating ng Hunyo dahil bahagya lang ang ibinagsak sa contract price ng LPG sa world market. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.