PatrolPH

Oil price hike asahan sa pagpasok ng Hunyo

ABS-CBN News

Posted at May 29 2021 07:07 PM

MAYNILA—May aasahang oil price hike sa pagpasok ng Hunyo, ayon sa mga taga-industriya. 

Inaasahang galaw sa presyo:

  • Diesel - P0.30- P0.40/litro 
  • Kerosene - P0.20-P0.30 
  • Gasolina - P0.55-P0.65/litro

Ang gasolina may dagdag na P0.55 hanggang P0.65 kada litro; ang diesel naman may inaasahang dagdag na P0.30 hanggang P0.40 kada litro. 

Samantala, ang kerosene may inaasahang dagdag na P0.20 hanggang P0.30 kada litro. 

Dahilan umano ito ng kawalan pa ng deal sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa pag-alis ng embargo.

Bumubuti na rin umano ang ekonomiya sa Estados Unidos kaya nadaragdagan ang kanilang demand sa langis. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.