Mga bakanteng trabaho sa ‘Build, Build, Build’ projects, iaalok sa online portal

ABS-CBN News

Posted at May 29 2018 12:05 PM

Inilunsad ng pamahalaan nitong Martes ang tinatawag na "Jobs, Jobs, Jobs" website na magsisilbing portal ng lahat ng bakanteng trabaho na kakailanganin sa "Build, Build, Build," ang pangunahing infrastructure program ng gobyerno.

Tampok sa portal ang lahat ng employment opportunities mula sa lahat ng concessionaires at construction companies na nakikilahok sa programa. 

Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, layon ng portal na maging "job matching platform" sa pagitan ng mga employer at sa mga nais magtrabaho sa gobyerno. 

Inilunsad ang portal kasabay ng inspeksyon sa NLEX Harbor Link Segment 10, na pinangunahan nina Villar, Transportation Sec. Arthur Tugade, Budget Sec. Benjamin Diokno, at iba pang mga opisyal.

--Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.