Ilan pang oil firms nag-anunsiyo ng bawas-presyo sa petrolyo

ABS-CBN News

Posted at May 27 2019 12:27 PM | Updated as of May 27 2019 06:29 PM

(UPDATED) Ilan pang oil firms ang nag-abiso ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto, na ipatutupad sa Martes, Mayo 28.

Ayon sa Caltex, PTT Philippines, Petro Gazz, Shell, Eastern Petroleum, at Petron, babawasan nila ng P0.35 ang kada litro ng gasolina at P0.45 ang kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Caltex, Shell, at Petron ng P0.60 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi.

Nauna nang magpatupad noong Linggo ang Phoenix Petroleum ng bawas-presyo at Seaoil nitong Lunes.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.