Presyo ng langis, muling magtataas sa Martes

ABS-CBN News

Posted at May 26 2018 07:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos ang "bigtime" oil price hike noong nakaraang linggo, muling magkakaroon ng taas-presyo ang langis sa darating na Martes, Mayo 29.

    
Ito na ang ikatlong magkasunod na linggong may dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.    

Inaasahang dagdag-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo:

• Gasoline -- P0.55-P0.65/litro
• Diesel -- P0.30-P0.40/litro
• Kerosene -- P0.40-P0.50/litro

Maglalaro sa P0.55 hanggang P0.65 ang imamahal ng gasolina, P0.30 hanggang P0.40 naman sa diesel, at P0.40 hanggang P0.50 sa kerosene.

Sa nakaraang dalawang linggo, umabot na nang lagpas P2 ang iminahal ng diesel at gasolina habang halos P2 naman sa kerosene.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.