Presyo ng diesel tataas nang higit P2 kada litro simula Martes

ABS-CBN News

Posted at May 25 2020 11:10 AM | Updated as of May 25 2020 06:14 PM

(UPDATE) Nag-anunsiyo ang mga oil firm na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Mayo 26.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Caltex, Phoenix Petroleum, Seaoil, Cleanfuel, PTT Philippines, Flying V, at Petron, tataasan nila nang P2.10 ang presyo ng kada litro ng diesel at P1.75 ang kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Caltex, Shell, Seaoil, Flying V, at Petron ng P2.65 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na magpapatupad alas-4:01 ng hapon. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.