PatrolPH

Presyo ng petrolyo, may dagdag at bawas sa Mayo 25

ABS-CBN News

Posted at May 24 2021 12:49 PM | Updated as of May 24 2021 06:36 PM

(UPDATE) Nag-anunsiyo ang mga oil firm ng kanilang mga price adjustment para sa Martes, Mayo 25.

Ayon sa Shell, Caltex, Petro Gazz, Seaoil, Unioil, Flying V, Petron, Phoenix Petroleum, at PTT Philippines, tataasan nila ng P0.15 ang presyo ng kada litro ng gasolina at P0.25 ang kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell, Caltex, Seaoil, Flying V at Petron ng P0.15 na bawas sa kada litro ng kerosene.

Tataasan naman ng Cleanfuel nang P0.25 ang presyo ng kada litro ng diesel. Wala silang galaw sa presyo ng gasolina.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na mag-a-adjust alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na magpapatupad ng pagbabago alas-4:01 ng hapon.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.