Big-time dagdag-presyo, nagbabadya sa ika-3 sunod na oil price hike

ABS-CBN News

Posted at May 23 2020 07:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Namumuro muli ang big-time oil price hike sa Martes, Mayo 26, batay sa tantiya ng mga nasa industriya. 

  • Gasolina — P1.90-P2.00/litro
  • Diesel — P2.10-P2.20/litro
  • Kerosene — P2.60-P2.70/litro

Maglalaro sa P1.90 hanggang P2 ang dagdag sa kada litro ng gasolina. 

Nasa P2.10 hanggang P2.20 naman ang tinatayang dagdag-presyo sa diesel. 

Ito na ang ika-3 sunod na linggo na may dagdag-presyo sa petrolyo kasunod ng pagbawas ng produksyon ng langis ng oil cartel sa buong mundo. 

Hindi pa kasama rito ang magiging dagdag-presyo na dulot ng additional duty sa imported na langis. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.