Presyo ng langis tataas sa Martes

ABS-CBN News

Posted at May 20 2019 12:01 PM | Updated as of May 20 2019 04:59 PM

(UPDATE 2) Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, ayon sa anunsiyo ng ilang oil firm.

Ayon sa Petro Gazz, Shell, Total, Eastern Petroleum, PTT Philippines, Flying V, Seaoil, Jetti Pump, at Caltex, P0.80 ang kanilang idadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel habang P0.90 naman sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Caltex, Seaoil, at Flying V ng P0.75 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi.

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.