PatrolPH

Deadline sa pagbabayad ng water bills itinakda

ABS-CBN News

Posted at May 19 2020 04:55 PM | Updated as of May 19 2020 06:58 PM

Inihayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang deadline sa pagbabayad ng water bills, na naipon sa loob nang halos 3 buwan dahil sa pagpapatupad ng lockdown.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, ang lifeline users ng Maynilad at Manila Water ay binigyan hanggang Agosto 31 para bayaran ang mga naipong bayarin sa loob ng quarantine period.

Ang lifeline users ay tumutukoy sa mga gumagamit ng hanggang 10 cubic meters kada buwan.

Ang mga non-lifeline users naman ay may hanggang Hulyo 31 para bayaran ang naging konsumo, ani Ty.

Ang mga non-lifeline user ay tumutukoy sa may higit 10 cubic meters na konsumo kada buwan.

Sa Hunyo 1 pa magsisimulang magbasa ng metro at maglalabas ng bill ang Maynilad at Manila Water pero puwede nang malaman ang inisyal na bayaran sa pamamagitan ng social media account ng 2 concessionaire.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.