PatrolPH

Dagdag sa minimum na sahod sa NCR, epektibo sa Hunyo 4

ABS-CBN News

Posted at May 18 2022 08:12 PM | Updated as of May 18 2022 10:13 PM

(UPDATE) Epektibo na simula Hunyo 4 ang P33 dagdag sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region, sabi ngayong Miyerkoles ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kapag naging epektibo, magiging P570 na ang minimum wage para sa non-agricultural jobs sa Kamaynilaan habang P533 sa agriculture sector.

Sa Hunyo 5 naman epektibo ang P55 umento sa Western Visayas.

Ayon kay DOLE Information and Publication Service Director Rolly Francia, namumuro ring tumaas ang minimum na sahod sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Caraga matapos mag-isyu doon ang kani-kanilang regional board ng wage order para sa kanilang minimum wage increase.

"'Yon pong mga wage order na iyan ay na-receive na kahapon ng National Wages and Productivity Commission (NWPC). So 'pag nagpulong po uli within the week ang NWPC, malamang po i-approve na unless mayroong procedural issues na makita ang board," aniya.

Kapag naaprubahan, inaasahang magiging P372 hanggang P400 ang bagong minimum wage sa Ilocos Region, P400 hanggang P420 sa Cagayan Valley, at P350 sa Caraga.

Maaari namang mag-apply ng exemption mula sa wage hike ang mga negosyong hindi lalagpas sa 10 ang empleyado o naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.