PatrolPH

Exemption sa minimum wage hike, puwedeng i-apply ng ilang negosyo: DOLE

ABS-CBN News

Posted at May 17 2022 02:02 PM

Watch more News on iWantTFC

Puwedeng mag-apply para sa exemption sa wage hike ang mga negosyo na nahihirapan pati ang mga nalugi dahil sa COVID-19 pandemic, sabi ngayong Martes ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi sa Teleradyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maaaring magsumite ng aplikasyon sa mga regional office ng wage board ang mga negosyong hindi lalagpas sa 10 ang empleyado at mga negosyong tinamaan ng natural o mand-made calamity, tulad ng pandmeya.

Nauunawaan aniya ng gobyerno ang dagok ng pandemya sa mga negosyo.

Nauna na ring kinumpirma ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) na bukas sila sa pag-apply sa exemption mula sa minimum wage increase.

Inaprubahan kamakailan ng wage board ang P33 dagdag sa minimum na sahod sa National Capital Region at P55 sa Western Visayas.

Pero umapela si Presidential Adviser on Entrepeneurship Joey Concepcion na i-exempt ngayong taon ang mga maliliit na negosyo mula sa wage hike.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.