PatrolPH

Presyo ng diesel tataas, gasolina bababa sa Mayo 18

ABS-CBN News

Posted at May 17 2021 01:37 PM | Updated as of May 17 2021 06:20 PM

(UPDATE) Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel at pagbaba sa presyo ng gasolina sa Martes, Mayo 18, ayon sa anunsiyo ng ilang oil company.

Ayon sa Shell, Seaoil, Petro Gazz, Caltex, PTT Philippines, Flying V, Phoenix Petroleum at Petron, tataasan nila nang P0.20 ang presyo ng kada litro ng diesel habang tatapyasan naman nang P0.20 ang kada litro ng gasolina.

Sa Cleanfuel, P0.20 din ang bawas sa presyo ng gasolina habang walang galaw sa presyo ng diesel.

Wala namang galaw ang presyo ng kerosene.

Ipatutupad ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapalit alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na mag-a-adjust alas-8:01 ng umaga.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.