Gasolinahan sa Mandaluyong City noong Marso 22, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File
MAYNILA (UPDATE) — Kasado na ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Mayo 17, sabi ngayong Lunes ng mga oil company.
Ayon sa abiso ng mga kompanya, ang mga sumusunod ang kanilang ipatutupad na bawas-presyo:
Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.40/L
DIESEL -P3.10/L
KEROSENE -P2.10/L
Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.40/L
DIESEL -P3.10/L
KEROSENE -P2.10/L
Petro Gazz (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.40/L
DIESEL -P3.10/L
Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
GASOLINA -P0.40/L
DIESEL -P3.10/L
Ayon sa mga taga-industriya, ang patuloy na COVID-19 lockdown sa China ang pangunahing dahilan ng paghupa ng presyo ng langis sa world market.
Isa pang dahilan ay ang hindi pagkakasundo ng mga bansa sa Europa kung itutuloy ang oil embargo laban sa Russia.
Wala kasi umanong mapagkukuhanan ang mga bansa ng kapalit na langis sakaling hindi bibili galing Russia, na magsisilbi sanang parusa dahil sa pananakop nito sa Ukraine.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.