MAYNILA - Oil price hike ang sasalubong sa mga motorista kasabay ng pag-arangkada na ang pagluwag ng lockdown sa ilang lugar, batay sa tantiya ng mga taga-industriya.
Tinatayang dagdag-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo:
- Gasolina — P1.40-P1.60/litro
- Diesel — P0.50-P0.70/litro
- Kerosene — P2.30-P2.50/litro
Maglalaro sa P1.40 hanggang P1.60 kada litro ang dagdag-singil sa gasolina
Samantala, nasa P0.50 hanggang P0.70 kada litro ang dagdag sa presyo sa diesel
Habang nasa P2.30 hanggang P2.50 kada litro ang tinatayang dagdag-presyo sa kerosene.
Wala pa rito ang dagdag-presyo na dulot naman ng dagdag-buwis sa imported na petrolyo na maglalaro sa P1.30 hanggang P1.50 sa kada litro ng diesel, gasolina, at kerosene.
Gagamitin ang kita galing sa dagdag-buwis sa mga programa ng gobyerno laban sa pagsugpo ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Simula ngayong Sabado, Mayo 16, isinailalim ang Metro Manila, Laguna, at ilang bahagi ng Region 3 sa modified enhanced community quarantine. Nasa general community quarantine naman ang ibang parte ng bansa. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, busina, gas, gas prices, pricepatrol, Alvin Elchico busina, gasolina, diesel, kerosene, presyo ng langis, oil price hike, oil COVID-19, oil price hike COVID-19, oil price hike lockdown Philippines, lockdown Philippines, general quarantine, modified quarantine