Gasolina may bawas-presyo sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at May 15 2021 05:20 PM | Updated as of May 15 2021 05:25 PM

MAYNILA - May bawas-presyo na inaasahan sa gasolina susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya.

Inaasahang galaw sa presyo:

  • Diesel - P0.15-P0.20/litro (pagtaas) 
  • Kerosene - walang paggalaw
  • Gasolina - P0.40-P0.50/litro (pagbawas)

Ang gasolina, may tinatayang bawas-presyo na P0.40 hanggang P0.50 kada litro. 

Ang diesel, may kakarampot na P0.15 hanggang P0.20 kada litrong pagtaas. 

Di naman gagalaw ang presyo ng kerosene sa susunod na linggo. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.