Ilan pang kompanya ng langis nag-abiso sa rollback simula Martes

ABS-CBN News

Posted at May 13 2019 01:35 PM | Updated as of May 13 2019 06:23 PM

(UPDATE) Ilan pang kompanya ng langis ang nag-abiso na magpapatupad sila ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Mayo 14.

Ayon sa PTT Philippines, Petron, Flying V, Petro Gazz, Shell, at Total, P1.25 ang kanilang bawas sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad naman ang Petron, Flying V at Shell ng P0.30 bawas sa kada litro ng kerosene.

Nagpatupad din nitong Lunes ang Eastern Petroleum ng P1.25 bawas sa kada litro ng gasolina.

Wala naman paggalaw sa presyo ng diesel.

Naunang magpatupad ng bawas-presyo noong weekend ang Phoenix Petroleum at SEAOIL.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.