MAYNILA (UPDATE) — May panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo na ipatutupad sa Martes, Mayo 11, sabi ng mga oil company.
Ayon sa Shell, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, Caltex, Unioil, Flying V, PTT Philippines, Petron, at Phoenix Petroleum, P0.75 ang kanilang taas-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.70 naman sa kada litro ng diesel.
Nag-abiso rin ang Shell, Seaoil, Caltex, Flying V at Petron na magpapatupad ng P0.70 taas-preyso sa kada litro ng kerosene.
Alas-6 ng umaga epektibo ang mga bagong presyo maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na maga-adjust alas-4:01 ng hapon.
Nauna nang sinabi ng mga taga-industriya ng langis na may taas-presyo ngayong linggo dahil nakarekober na ang oil demand sa Estados Unidos at sa Europa.
Tumaas din ang presyo ng diesel at kerosene noong nakaraang linggo.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, busina, konsumer, oil prices, gasolina, diesel, kerosene, petrolyo, langis, oil price hike, Shell, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, Caltex, Unioil, Flying V, PTT Philippines, Petron, Phoenix Petroleum