'Bigtime' na taas-presyo sa petrolyo inaasahan

ABS-CBN News

Posted at May 10 2020 02:30 PM

MAYNILA - Inaasahan ang malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo bunsod umano ng bawas sa produksiyon ng langis sa buong mundo.

Nasa P2 hanggang P2.20 ang tantiyang taas-presyo sa kada litro ng gasolina, P1.80 hanggang P2 naman sa kada litro ng diesel, at P1.20 hanggang P1.30 sa kada litro ng kerosene.

Bukod sa pagtaas ng presyo ng inangkat na petrolyo, may taas-presyo ring dulot ng pagpataw ang gobyerno ng dagdag na buwis sa imported na langis.

Naglalaro sa P1.20 hanggang P1.40 kada litro ang inaasahang taas-presyo sa diesel, kerosene at gasolina dahil sa import duty.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.