PatrolPH

Petrolyo may dagdag-presyo sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at May 08 2021 03:18 PM

MAYNILA - May oil price hike na inaasahan sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya. 

Inaasahang pagtaas ng presyo:

  •  Diesel - P0.60 - P0.70/litro
  •  Kerosene - P0.60 - P0.70/litro
  •  Gasolina - P0.65 - P0.75/litro

Aabot sa P0.60 hanggang P0.70 kada litro ang itataas ng presyo ng diesel at kerosene. 

LINK: https://news.abs-cbn.com/business/05/03/21/taas-presyo-petrolyo-may42021

Ang gasolina naman, may inaasahang pagtaas na P0.65 hanggang P0.75 kada litro. 

Paliwanag ng mga taga-industriya, ito ay dahil nakarekober na ang oil demand sa Estados Unidos at sa Europa. 

Maaalala na noong nakaraang linggo ay tumaas ang presyo ng diesel at kerosene. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.