Petrolyo may bawas-presyo sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2019 12:00 PM | Updated as of Nov 04 2019 07:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Magkakaroon ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Nobyembre 5, ayon sa mga oil firm.

Nasa P0.10 ang bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.25 sa kada litro ng diesel, ayon sa Petro Gazz, Seaoil, PTT Philippines, Caltex, at Total.

Tatapyasan din ng Seaoil at Caltex ng P0.10 ang presyo ng kada litro ng kerosene.

Kung susumahin mula Oktubre 1, P2.15 na ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel, P2.80 sa kada litro ng gasolina, at P2.90 sa kada litro ng kerosene.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.