PatrolPH

Diesel, kerosene may taas-presyo sa pagpasok ng Mayo

ABS-CBN News

Posted at May 01 2021 03:55 PM

MAYNILA - Tataas ang presyo ng diesel at kerosene ngayong unang linggo ng Mayo, ayon sa mga taga-industriya

 Inaasahang pagtaas ng presyo:

  •  Diesel - P0.30 - P0.35/litro
  •  Kerosene - P0.30 - P0.35/litro
  •  Gasolina - Walang paggalaw

May inaasahang pagtaas na P0.30 hanggang P0.35 kada litro ang diesel at kerosene. 

Wala namang inaasahang pagtaas sapresyo sa gasolina para sa paparating na linggo. 

Dahilan ng pagtaas ang pagsipa sa oil demand sa Estados Unidos, Europa, at Tsina. 

Pero mas napababa pa ang inaasahang taas-presyo dahil sa pagtaas naman ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa India, Brazil, at Japan. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

 KAUGNAY NA VIDEO: 

 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.