PatrolPH

Natenggang bank loan ngayong lockdown di dapat singilin, patungan ng interes: BSP

ABS-CBN News

Posted at May 01 2020 04:39 PM | Updated as of May 01 2020 10:00 PM

Watch more on iWantTFC

Walang ipapataw na interes sa natenggang bayarin sa mga pautang, yan ang paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga bangkong nagpautang sa kanilang mga kliyente. 

Paliwanag ni BSP director Pia Roman-Tayag, nakasaad sa Bayanihan To Heal As Once Act na hindi muna puwedeng singilin ang mga may loan sa bangko habang naka-quarantine. 

Halimbawa, kung ang bayarin ay due sa Marso 18 at Abril 18 na may P12,000, gagawing P10,000 ang principal at P2,000 ang interes. Hahatiin ito sa 2 buwan. 

"So yung interes na P2,000, interes na P2,000, itong P4,000, pwede mong bayaran sa May 18 due date or pwede mo syang idivide by 6 para gumaan din ang babayaran mo. Then ang principal na 10 in effect na move loan mo so madadagdagan ng 2 months na babayaran sa principal,” ani Tayag. 

Sa mga bumili ng sasakyan para gawing Transport Network Vehicle Service (TNVS) may programa rin daw ang bangko para hindi mabigla ang mga nag-car loan. 

“Makikita nila kung may aberya ba ang operasyon, gaano katagal na nanunumbalik ang kakayahan magbayad, based on that pwede silang magbigay ng tinatatwag na curing period at itong bayanihan act on top pa ito ng ng tinatawag na curing period,” ani Tayag. 

Kung post-dated check ang ginamit na pambayad, dapat i-reverse it. 

“Kung nadeposito na ang cheke dapat i-reverse at kung nag ka no sufficient fund dahil di napondohan yung account, di ba may charge, ang mga banko dapat ibalik,” ani Tayag. 

Kung hindi sumunod ang bangko, pwede silang ireklamo sa BSP sa pamamagitan ng consumeraffairs@bsp.gov.ph email. 

Ayon sa BSP, prayoridad nilang aksyunan ang mga complaints na may kinalaman sa COVID-19 para maayos agad ang problema.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.