PatrolPH

LPG may taas-presyo simula Mayo 1

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2020 05:37 PM | Updated as of Apr 30 2020 07:06 PM

(UPDATE) Nag-anunsiyo ang ilang kompanya na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula Biyernes, Mayo 1.

Ayon sa Petron, simula hatinggabi ng Mayo, P5.80 ang taas-presyo sa kada kilo ng LPG habang P3.25 naman sa kada litro ng auto-LPG.

Simula alas-6 ng umaga, tataasan ng Solane nang P5.19 ang kada kilo ng kanilang LPG. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.