PatrolPH

Meralco billing sa May, posibleng tumaas

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2023 05:05 PM | Updated as of Apr 28 2023 01:16 AM

Watch more News on iWantTFC

Inalerto na ng Meralco ang mga consumer na posibleng tumaas ang paparating na singil dahil sa inaasahang pagsipa ng presyo ng kuryente o konsumo dahil sa tindi ng init ng panahon. 

"There really is that pressure for overall electricity cost to perhaps go up... Talagang pagpasok ng summer months, asahan na natin di lang sa presyo kundi sa maging kunsumo as seen by the demand spike recently," ani Meralco spokesman Joe Zaldarriaga. 

Nalagpasan na ng konsumo noong Abril 19 ang pinakamataas na gamit sa kuryente noong Mayo. 

Dahil dito, payo nila sa mga konsumer na alagaan ang kanilang mga appliance. 

"Yung appliances natin let's make sure they are in tiptop condition..kasi ang appliances na hindi maganda ang kondisyon napakalakas ng kunsumo ng kuryente yun," ani Zaldarriaga. 

Bumaba nitong Abril ang singil ng Meralco sa kanilang mga konsumer bunsod ng mababang generation at transmission charges.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.