PatrolPH

Ilang tsuper nag-iisip nang mag-resign dahil sa oil price hikes

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2022 01:05 PM | Updated as of Apr 26 2022 01:24 PM

Nagpapakarga ng gasolina ang isang taxi driver bago pa umarangkada ang panibagong oil price hike ngayong Martes. ABS-CBN News
Nagpapakarga ng gasolina ang isang taxi driver bago pa umarangkada ang panibagong oil price hike ngayong Martes. ABS-CBN News

MAYNILA - Sa harap ng mga serye ng oil price hike, nagpapatuloy ang kalbaryo ng mga tsuper dahil puro abono na lang umano sila at kakaunti na lang ang kanilang kita. 

Ang ilan, gaya ni Dodong Canio, tinitipid na ang ilang pangangailangan para lang makapag-gasolina ng taxi. 

"Tipid sa tubig at kuryente saka sa gas di mo matipid kasi kailangan eh. Pag mataas gas apektado lahat," ani Canio, isang delivery rider. 

Ang iba naman gaya ni Willam Savenano, nagiiisip nang mag-resign kung magpapatuloy pa ang taas-presyo ng langis. 

"Sana wag na masundan to. Kung masundan to baka mag resign na ako sa ano siguro maghanap ng iba mapapasukan," ani Savenano. 

Matatandaang nagkaroon ng P3 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, habang may P4.10 taas-presyo sa kada litro ng kerosene. 

Ayon sa mga taga-industriya, ito ay dahil wala pang usad ang peace talks sa pagitan ng Ukraine at Russia. 

Nakatengga pa rin sa ngayon ang pamimigay ng fuel cards dahil inaabangan pa umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pamimigay ng Comelec ng pirmadong resolusyon tungkol sa pagpayag na gawin ang programa sa kabila ng government spending ban ngayong Halalan 2022. 

-- Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

KAUGNAY NA BALITA: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.