PatrolPH

Presyo ng petrolyo tataas sa Abril 27

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2021 12:48 PM | Updated as of Apr 26 2021 05:19 PM

MAYNILA (UPDATE) — Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Abril 27, ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis.

Inanunsiyo ng Shell, Petro Gazz, Seaoil, Cleanfuel, Caltex, PTT Philippines, Petron, Phoenix Petroleum at Flying V na tataasan nila ang presyo ng diesel nang P0.35 kada litro habang P0.45 naman sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Caltex, Petron at Flying V ng P0.65 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo 6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na maga-adjust alas-4:01 ng hapon.

Nauna nang sinabi ng mga taga-industriya na ang taas-presyo ay bunsod ng pag-akyat ng US oil demand sa pagsisimula ng driving season at nagbabantang pagputol sa oil export ng Libya.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.