PatrolPH

'Bigtime' rollback sa petrolyo inaasahan, taas-presyo naman sa LPG nagbabadya

ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2020 02:46 PM

MAYNILA - Inaasahan ang malakihang rollback sa presyo ng petrolyo sa Martes habang nagbabadya naman ang dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas sa Mayo. 

Muling babagsak ang presyo ng diesel, kerosene at gasoline, batay sa tantiya ng mga taga industriya. 

Nasa P1.70 hanggang P1.90 kada litro ang tinatayang bawas-presyo sa diesel. Nasa P1.90 hanggang P2.10 naman ang tinatayang bawas-presyo sa kerosene. Samantala, P0.30 hanggang P0.40 ang tinatayang rollback sa gasolina. 

Ito na ang ika-2 sunod na linggong may rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo. 

Sa pangkalahatan, maituturing na matamlay pa rin ang konsumo sa langis kaya posibleng magtuloy-tuloy ang bagsak presyo hanggang hindi pa natatapos ang krisis sa coronavirus.

Batay sa tantiya ng mga taga-industriya, nasa P3 hanggang P5 ang tinatayang dagdag sa kada kilo ng LPG. 

Katumbas ito ng P33 hanggang P55 dagdag-presyo sa isang tangke na naglalaman ng 11 kilo. Magsisimula ang bagong presyuhan pagdating ng Mayo 1. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.