PatrolPH

Oil price hike asahan sa huling linggo ng Abril

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2021 08:47 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - May oil price hike na muling inaasahan ngayong huling linggo ng Abril ayon sa mga taga-industriya ng petrolyo. 

Inaasahang pagtaas ng presyo:

  • Gasolina - P0.35 - P0.45/litro
  • Diesel - P0.25 - P0.35/litro
  • Kerosene - P0.55 - P0.65/litro

Ang gasolina, may inaasahang P0.35 hanggang PP0.45 kada litrong pagtaas. 

May P0.25 hanggang P0.35 kada litrong taas-presyo naman na dapat asahang sa diesel. 

Pagdating naman sa kerosene, may dapat asahang P0.55 hanggang P0.65 na kada litrong taas-presyo. 

Inaasahang aakyat ang US oil demand sa pagsisimula ng driving season at ang nagbabantang pagputol sa oil export ng Libya.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.