PatrolPH

Presyo ng petrolyo tataas sa Abril 20

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2021 12:17 PM | Updated as of Apr 19 2021 05:42 PM

MANILA (UPDATE) — Nag-abiso ngayong Lunes ang mga oil firm na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang produkto sa Martes, Abril 20. 

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, Caltex, Unioil, PTT Philippines at Petron, P0.60 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina habang P0.70 naman sa presyo ng kada litro ng diesel.

Inanunsiyo rin ng Shell, Seaoil, Caltex at Petron na magpapatupad sila ng P0.85 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi. Maga-adjust naman ng presyo ang Cleanfuel alas-4:01 ng hapon.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.