MAYNILA--Matapos ang oil price hike noong nakaraang linggo, inaasahan ang muling pag-rollback ng produktong petrolyo sa Martes, Abril 21 batay sa tantiya ng mga taga-industriya.
Maglalaro sa P1.10 hanggang P1.30 kada litro ang magiging bawas sa gasolina.
Nasa P0.50 naman hanggang P0.70 ang tinatayang bawas-presyo sa diesel at kerosene.
Paliwanang ng mga eksperto, bagama't nagpasya ang Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) at ng Russia na magbwas ng produksyon ng langis, may agam-agam pa ring kulang ang tapyas sa oil production para makabawi ang presyo ng petrolyo mula sa pagkalugmok nitong mga nakalipas na buwan.
Bago ang oil price hike noong nakaraang Martes, umabot nang P12.45 ang nai-rollback sa gasolina, P9.55 naman sa diesel at P13.40 sa kerosene.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, gasolina, gas, petrolyo, busina, oil price, rollback, rollback sa gasolina