Oil price hike inaasahan sa ika-3 linggo ng Abril

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2021 03:50 PM

MAYNILA - Inaasahan ang pagtaas ng presyo ng langis sa ika-3 linggo ng Abril, ayon sa mga taga-industriya ng petrolyo. 

Inaasahang pagtaas ng presyo:
• Gasolina - P0.50 - P0.60/litro
• Diesel - P0.60 - P0.70/litro
• Kerosene - P0.80 - P0.90/litro

Maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina. 

Nasa P0.60 hanggang P0.70 kada litro naman ang nakatayang pagtaas sa presyo ng diesel. 

Maglalaro sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro ang inaasahang pagtaas sa presyo ng kerosene. 

Paliwanag ng mga eksperto, maganda ang economic recovery ng US at China na nagbunsod sa taas-presyo. Inaasahang magbabalik din ang demand ng langis sa mga darating na buwan.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.