Presyo ng langis, may dagdag simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2018 01:42 PM | Updated as of Aug 27 2018 09:52 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATED) Magkakaroon ng dagdag sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Agosto 28, 2018, ayon sa pahayag ng ilang kompanya.

Magpapatupad ang Shell, Caltex, at SEAOIL ng P0.60 dagdag sa kada litro ng kanilang diesel, P0.10 sa kada litro ng gasolina, at P0.45 sa kada litro ng kerosene. 

Maliban sa kerosene, parehong pagtaas ng presyo rin ang ipatutupad ng Phoenix Petroleum, PTT Philippines, TOTAL, Petro Gazz, at Jetti Petroleum sa kanilang gasolina at diesel. 

Magiging epektibo ang mga galaw sa presyo simula alas-6 ng umaga ng Martes.

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.