Ilan pang oil firms nag-abiso ng taas-presyo sa petrolyo

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2019 03:12 PM | Updated as of Apr 15 2019 06:21 PM

(UPDATE) Ilan pang kompanya ng langis ang nag-anunsiyo ng taas-presyo sa petrolyo, na ipatutupad sa Martes, Abril 16.

Ayon sa SEAOIL, PTT Philippines, Caltex, Flying V, Unioil, at Jetti Pump, P1.05 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.75 naman sa kada litro ng diesel.

Tataasan din ng SEAOIL, Flying V, at Caltex ng P0.60 ang kada litro ng kerosene. 

Naunang mag-anunsiyo noong Linggo ang Shell at Petro Gazz ng P1.05 taas-presyo sa gasolina at P0.75 taas-presyo sa diesel.

Magpapatupad din ang Shell ng P0.60 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi. -- May ulat nina Alvin Elchico at Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.