Mga kompanya ng langis may higit P1 dagdag-presyo sa gasolina

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2019 03:50 PM | Updated as of Apr 14 2019 10:40 PM

MAYNILA (UPDATE) — Higit P1 ang itataas ng presyo ng kada litro ng gasolina sa Martes Santo, ayon sa anunsiyo ng ilang kompanya ng langis.

Ayon sa Shell at Petro Gazz, P1.05 ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina at P0.75 naman sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell ng P0.60 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Ipatutupad anila ang mga bagong presyo sa Martes, alas-6 ng umaga.

Inaantabayanan pa ang anunsiyo ng ibang kompanya.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.