MAYNILA — Hindi na umano irerekomenda ng Department of Agriculture (DA) na palawigin pa ang price ceiling sa karneng baboy at manok sa Metro Manila, at sa halip ay magpapatupad na lang ang ahensiya ng suggested retail price sa imported pork.
Sinabi ngayong Miyerkoles ni Agriculture Secretary William Dar na P270 kada kilo ang magiging SRP ng kasim habang P350 kada kilo naman para sa liempo.
Ayon kay Dar, nakatakdang mamahagi ang DA ng imported pork sa mga supermarket, grocery at palengke.
Nakatakdang mapaso sa Huwebes ang price ceiling na P270 kada kilo sa kasim at pigue, P300 kada kilo sa liempo, at P160 kada kilo sa manok.
Nitong mga nagdaang araw, hindi na rin nasusunod ang price ceiling sa ilang pamilihan sa Metro Manila dahil pumapalo na sa higit P400 ang presyo ng kada kilo ng karneng baboy.
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, agrikultura, bilihin, konsumer, pork, pork prices, suggested retail price, price cap, price ceiling, Department of Agriculture