PatrolPH

Kadiwa ng Agri dep't: Gulay puwede nang bilhin online, ipa-deliver

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2020 12:53 PM | Updated as of Apr 06 2020 04:57 PM

Sa mga nais makabili ng gulay pero ayaw makipagsiksikan sa mga palengke, may alok nang "door-to-door" service ang programang Kadiwa Market ng Department of Agriculture (DA).

Katuwang ng kagawaran ang Homegrown, isang online shopping site ng mga organic na mga pagkain.

Tampok sa online site ang mga gulay na produkto mismo ng mga magsasakang katuwang ng DA, na direktang naapektuhan ng enhanced community quarantine na ipinatupad sa Luzon.

Puwedeng magpa-deliver sa Metro Manila at ilang karatig-lugar tulad ng Antipolo, Rizal.

Para sa karagdagang detalye, maaaring bisitahin ang website na https://homegrown-organics.myshopify.com/ o ang Facebook page ng Department of Agriculture.

Isinailalim sa isang buwang community quarantine ang Luzon para mapabagal ang pagkalat ng sakit na COVID-19.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.