Bawas-presyo sa petrolyo ipatutupad sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2020 02:48 PM | Updated as of Apr 06 2020 06:03 PM

(UPDATE) Muling magpapatupad ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto ang mga kompanya ng langis sa Martes, Abril 7.

Ayon sa Phoenix Petroleum, Petro Gazz, Caltex, Seaoil, Cleanfuel, Flying V, at Petron, tatapyasan nila ng P0.70 ang presyo ng kada litro ng diesel agt P0.35 naman sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad naman ang Caltex, Seaoil, Flying V, at Petron ng P0.75 na bawas sa presyo ng kanilang kerosene.

Epektibo ang mga price adjustment simula alas-6 ng umaga, maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na alas-8:01 ng umaga. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.