PatrolPH

Gasolina may higit P1/L taas-presyo sa Abril 4

ABS-CBN News

Posted at Apr 03 2023 02:15 PM | Updated as of Apr 03 2023 07:47 PM

Gasolinahan sa Mandaluyong City noong Marso 22, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File
Gasolinahan sa Mandaluyong City noong Marso 22, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File

(UPDATE) Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Abril 4.

Base sa abiso ng mga kompanya ng langis, narito ang ipatutupad nilang taas-presyo:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P1.40/L
DIESEL +P0.50/L
KEROSENE +P0.20/L

Seaoil, Shell (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.40/L
DIESEL +P0.50/L
KEROSENE +P0.20/L

Unioil, Jetti Petroleum, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, PTT Philippines (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.40/L
DIESEL +P0.50/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P1.40/L
DIESEL +P0.50/L

Watch more News on iWantTFC

Ayon kay Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, mga hindi inaasahang pangyayari sa international oil market ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis.

Kasama rito ang pagluwag ng tensiyon sa banking crisis matapos magsara ang 2 malaking bangko sa Amerika at Europe, at pansamantalang pagtigil ng supply mula sa Turkey.

"Sa US naman po, 'yong inventory nila ng particularly gasoline and distillate products, bumaba daw po ng more than expected, ibig sabihin nito, tumaas naman demand sa nasabing produkto," ani Romero.

Dagdag pa aniya rito ang pagbabawas ng produksiyon ng langis ng Russia at mga bansang kasapi sa Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) Plus.

— Ulat nina Alvin Elchico at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.