MAYNILA - Matapos ang "big-time" na rollback sa Semana Santa, namumuro ang kakarampot na dagdag-singil sa produktong petrolyo sa Martes.
Inaasahang pagtaas ng presyo:
• Gasolina - P0.65 - P0.75/litro
• Kerosene - walang paggalaw - P0.05/litro
• Diesel - walang paggalaw - P0.05/litro
Aabutin ng P0.65 hanggang P0.75 ang inaasahang dagdag-singil sa gasolina.
Ang diesel at kerosene naman, posibleng walang galaw sa presyo o tumaas ng P0.05 kada litro ang presyo.
Paliwanag ng mga eksperto, bunsod ang pagtaas sa pagbara ng barko sa Suez Canal, at pagbabawas ng OPEC group sa oil production.
Maaalalang isang linggo nahinto ang pagbabarko sa Suez Canal, isa sa pangunahing daluyan ng mga barko na nagpapabilis ng biyahe mula Asya hanggang Europa, dahil naharang ito ng isang malaking barko.
Kalauna’y na-refloat ang naturang barko, pero naapektuhan nito ang paghahatid ng kalakal at produkto.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, petrolyo, Suez Canal, busina, busina sa petrolyo, barko, oil pro