PatrolPH

Presyo ng langis, tataas muli sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2018 05:07 PM

Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis nitong Lunes na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto.

Simula Martes, Abril 3, magkakaroon ng dagdag na P1 sa presyo kada litro ng diesel at kerosene habang P0.90 naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina.

Ito ang ikalawang sunod na linggong nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng langis.

OIL PRICE HIKE

SHELL, Flying V, Caltex, SEAOIL (Martes, 6 a.m.)
DIESEL +P1/L
GASOLINE +P0.90/L
KEROSENE +P1/L

PTT Philippines, Phoenix Petroleum (Martes, 6 a.m.)
DIESEL +P1/L
GASOLINE +P0.90/L

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.