Schedule ng pamimili sa Kamuning Market, itinakda

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2020 10:15 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Magpapatupad na ng schedule ng pamamalengke para sa mga mamimili ng Kamuning Market sa Quezon City simula Abril 1, ayon sa mga opisyal ng barangay. 

Gagawin ito upang mabawasan ang dagsa ng tao sa pamilihan at mapatupad ang physical distancing lalo na't may isa nang naitalang kaso ng COVID-19 sa barangay, Batay sa inilabas na advisory ni Barangay Captain Armida Castel

Narito ang schedule ng pamimili kada araw:

Lunes: Residente ng K-1st, K-2nd, K-3rd, K-4th at Park Avenue
Martes: Residente ng K-5th, K-6th, k-7th, at K-8th
Miyerkules: K-F, K-E, K-D/Erestain streets at Bernardo compound
Huwebes: J. Jimenez, T. Gener, L. Siangho streets, at Kamuning Road

Tuwing Biyernes naman papayagang makapamili ang sinumang residente ng Barangay Kamuning na hindi nakapamili sa schedule nila.

Sa Sabado at Linggo na lamang pwedeng sa naturang pamilihan ang hindi residente ng barangay.

Paalala ni Castel, magdala ng ID o kaya'y isulat ang inyong address sa inyong quarantine pass bilang patunay ng inyong area of residence para makapasok sa palengke. --Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.