#WalangKuryente: Power interruption sa Luzon sa Abril 1-7

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2019 12:10 PM

Makararanas ngayong linggo ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Ayon sa Meralco, ito ay dahil sa iba't ibang maintenance works na gagawin sa mga nasabing lugar.

 

CALOOCAN CITY (BAGUMBONG AT CAMARIN)
ABRIL 2, 2019, MARTES
Sa pagitan ng alas-9 ng umaga at alas-2 ng hapon

- Bahagi ng Road 45 mula Congressional Road hanggang at kasama ang Congressional Village, Celerina Homes Subd., Palmera Springs Subd. Phases 1, 2, 4 & 5, Senate Housing Subd., Balgan Village Subd., Flores Ville Subd., Villa Doña Juana Subd., Carissa Homes Subd. at Villa CCOI Subd.; at bahagi ng Palmera Springs Subd. Phase 3.

DAHILAN: Line reconductoring works at pagpalit ng mga nabubulok na poste sa Senate Housing Subd., Bagumbong, Caloocan City.

MAYNILA (STA. ANA AT STA. MESA)
ABRIL 1, 2019, LUNES
Sa pagitan ng alas-7 ng umaga at alas-7:30 ng umaga

- Bahagi ng New Panaderos St. mula San Roque St. hanggang F. Y. Manalo St. kasama ang Puregold Kalentong sa Sta. Ana.
- Bahagi ng F. Y. Manalo St. mula New Panaderos St. hanggang Sto. Niño St. sa Sta. Ana.
- Bahagi ng F. Roxas St. mula malapit sa Mendoza St. hanggang Martinez St. sa Sta. Ana.
- Bahagi ng New Panaderos St. mula Lambingan Bridge hanggang at kasama ang Lamayan at Old Panaderos Sts.; Eurovilla Townhomes at Santa Ana Hospital sa Sta. Ana.
- Bahagi ng Lubiran St. mula malapit sa Cordillera St. hanggang Mag. J. Abad Santos St. kasama ang Our Lady of Fatima Parochial Educational Center sa Sta. Mesa.
- Bahagi ng Dalisay St. mula Bacood Health Center hanggang Makisig St. sa Sta. Mesa.

DAHILAN: Pagretiro ng mga pasilidad na apektado ng Skyway construction sa New Panaderos St. sa Sta. Ana, Manila.

MAYNILA (SAMPALOC)
ABRIL 2 – 3, 2019, MARTES HANGGANG MIYERKOLES
Sa pagitan ng alas-11:30 ng gabi (Martes) at alas-5:30 ng madaling araw (Miyerkoles)

- Bahagi ng P. Noval St. mula J. Barlin St. hanggang malapit sa España Blvd. kasama ang McDonald’s Restaurant, Galleria Suites – P. Noval, Eby Bldg., iTower at Holy Spirit Ladies’ Residence.

DAHILAN: Line conversion works sa P. Noval St. sa Sampaloc, Manila.

MAYNILA (STA. MESA) AT QUEZON CITY (DOÑA IMELDA)
ABRIL 3, 2019, MIYERKOLES
Sa pagitan ng alas-9 ng umaga at alas-9:30 ng umaga at sa pagitan ng alas-2:30 ng hapon at alas-3 ng hapon

- Bahagi ng Cordillera, Valenzuela at Valenzuela Ext. Sts. mula Meralco – Pandacan substation hanggang at kasama ang 2nd, Balimbing at San Lorenzo Ruiz Sts. sa NHA Compound, Sta. Mesa, Manila.
- Bahagi ng V. Mapa at V. Mapa Ext. Sts. mula malapit sa Agham St. hanggang Pagkakaisa St. kasama ang Reposo, Bagong Panahon, R. Peralta, 1st at 2nd Sts. sa Sta. Mesa, Manila.
- Bahagi ng Guadalcanal St. mula V. Mapa St. hanggang at kasama ang Pag-Asa at Pinagbuklod Sts. sa Sta. Mesa, Manila.
Sa pagitan ng alas-9 ng umaga at alas-3 ng hapon
- Bahagi ng Guadalcanal St. mula V. Mapa St. sa Sta. Mesa, Manila hanggang at kasama ang Garden Ville Subd. sa Bgy. Mabuhay, Quezon City.

DAHILAN: Paglipat ng mga pasilidad at line reconductoring works sa Guadalcanal St. sa Sta. Mesa, Manila.

MAYNILA (SAMPALOC)
ABRIL 4 – 5, 2019, HUWEBES HANGGANG BIYERNES
Sa pagitan ng alas-11:30 ng gabi (Huwebes) at alas-5:30 ng madaling araw (Biyernes)

- Bahagi ng Nicanor Roxas St. (Laong Laan) mula A. H. Lacson St. (Gov. Forbes) hanggang A. Maceda St. kasama ang Hospital of the Infant Jesus, St. Jude College at Jun L. Encarnacion Salon; Dos Castillas, Carola, Don Quixote, M. Dela Fuente, Vicente G. Cruz, Miguelin, Prudencio, Algeciras.

DAHILAN: Line conversion works sa Nicanor Roxas St. (Laong Laan) sa Sampaloc, Manila.

PASIG CITY (MANGGAHAN)
MARSO 31 – ABRIL 1, 2019, LINGGO HANGGANG LUNES
Sa pagitan ng alas-11:30 ng gabi (Linggo) at alas-4:30 ng madaling araw (Lunes)

- RFM – Selecta Walls Ice Cream Factory sa Caruncho Road.

DAHILAN: Paglipat ng mga pasilidad sa Caruncho Road sa Bgy. Manggahan, Pasig City.

BULACAN (SAN ILDEFONSO AT SAN MIGUEL) AT PAMPANGA (CANDABA)
ABRIL 3 – 4, 2019, MIYERKOLES HANGGANG HUWEBES
Sa pagitan ng alas-11:30 ng gabi (Miyerkoles) at alas-12:01 ng hatinggabi (Huwebes) at sa pagitan ng alas-6 ng umaga at alas-6:30 ng umaga (Huwebes)

- Bahagi ng David Labrador St. mula Sitio Aslagan hanggang at kasama ang Sitio 1 - 4, Sitio Pasong Hari, Sitio Pahalang, Sitio Centro A & B, Sitio San Isidro, Centro I, Tagulod, Sitio Barangca, Sitio Caldo, Sitio Magmayang, Sitio Sapang Bayo, Sitio Sta. Iglesia, Pulong Duhat, Pulong Gomez, Sitio Mabato at Sitio Pulong Kampong sa Bgys. Batasan Bata, Batasan Matanda, Mandile, Salangan at San Agustin sa San Miguel, Bulacan.
- Bahagi ng Cagayan Valley Road mula Meralco – San Miguel substation hanggang at kasama ang Bgys. Sapang Putol, Anyatam, Garlang, Lapnit, Makapilapil, Mataas na Parang, Nabaong Garlang, Poblacion, San Juan, Sta. Catalina Bata at Sta. Catalina Matanda sa San Ildefonso, Bulacan.
- Bgys. Barangka, Lourdes, Magumbali, Mandile, Mapanique at Salapungan sa Candaba, Pampanga.

DAHILAN: Maintenance works sa loob ng Meralco - San Miguel substation.

BULACAN (NORZAGARAY AT SAN JOSE DEL MONTE CITY)
ABRIL 6, 2019, SABADO
Sa pagitan ng ala-1 ng madaling araw at alas-2 ng madaling araw at sa pagitan ng alas-5 ng umaga at alas-6 ng umaga

- Bahagi ng Quirino Highway mula Newton Drive sa Bgy. Minuyan, San Jose Del Monte City hanggang at kasama ang Villarama Road; Bgys. Bigte, Bitungol, Matictic, Minuyan at San Mateo sa Norzagaray.
- Bahagi ng Dr. Eduardo V. Roquero Sr. Ave. mula Kaymino St. hanggang at kasama ang Bgys. Minuyan III, San Martin IV, San Rafael I – IV, Sta. Cruz I – V at Sapang Palay sa San Jose Del Monte City.
- Bahagi ng San Jose Del Monte – Norzagaray Municipal Road mula Sta. Maria – San Jose Del Monte Municipal Road hanggang at kasama ang Bgys. Partida sa Tigbe, Norzagaray.

DAHILAN: Repair works sa loob ng Meralco – Sapang Palay substation.

LAGUNA (LILIW, NAGCARLAN, PILA AT STA. CRUZ)
ABRIL 2, 2019, MARTES
Sa pagitan ng alas-12:01 ng hatinggabi at alas-12:15 ng hatinggabi at sa pagitan ng alas-7 ng umaga at alas-7:15 ng umaga

- Bahagi ng Bgys. Bubukal, Duhat, Gatid, Labuin, Pagsawitan, Palasan at Patimbao sa Sta. Cruz.
- Ang kabuuan ng Pila maliban sa Carmen Agra Subd. at Purok Codera sa Bgys. San Antonio at Bulilan Sur. Bgys. Dagatan, Daniw at Dita sa Liliw.
- Bahagi ng Bgys. Banca-Banca at Sibulan sa Nagcarlan.

DAHILAN: Maintenance works sa loob ng Meralco – Sta. Cruz substation.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.