Langis may bawas-presyo sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2019 06:18 PM

Ilang kompanya ng langis ang magkakaroon ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Abril 2.

Ayon sa Petro Gazz at Shell, P0.30 ang kanilang ibabawas sa kada litro ng diesel at P0.10 naman sa kada litro ng gasolina.

Babawasan din ng Shell ng P0.20 ang kada litro ng kanilang kerosene.

Magiging epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.